Bilang Mag-Aaral,Ano Ang Iyong Maaaring Gampanan/Gawin Upang Matugunan Ang Diskriminasyon Laban Sa Lgbt?

bilang mag-aaral,ano ang iyong maaaring gampanan/gawin upang matugunan ang diskriminasyon laban sa LGBT?

Ang pagpili ng pagkatao ay ibinibigay kong pagdedesisyon sa mismong may katawan. Bagaman nanghahawakan ako sa aking natutunang pamatayang moral mula sa Bibliya tungkol sa pagiging babae at lalaki, tinuruan din ako nito na igalang at bigyan ng dignidad ang sinumang tao anumang ang kanilang pamumuhay. Kaya bilang konklusyon, iginagalang ko ang isa at pinapakitaan ng mataas na dignidad. Ito ay dahil hindi ako namumuhi sa kaniya kundi sa gawain ng imoralidad sangkot hindi lamang ang LGBT kundi maging ng kapuwa lalaki at babae. Paano ito gagawin?

Halimbawa, mayroon akong kaibigan na naninigarilyo. Ipipilit ko ba sa kaniya ang aking paninindigan na ayaw kong manigarilyo? Siyempre hindi bagaman puwede ko ikwento sa kaniya ang aking paniniwala tungkol doon kung paanong gusto kong hindi niya din ako pipilitin. Hindi ko siya iiwasan ni kasusuklaman bilang aking kakilala o baka nga malapit pang kaibigan. Kaya kung kaeskwela ko siya, katabi ko siya sa upuan, tiyak na aasahan naming dalawa na kikilos kami para sa kapakanan ng bawat isa. Pero hindi mo ako makikitang kasama niya na maninigarilyo.

Kaya ang mga LGBT ay dapat tulungan lalo na kung sila ay nangangailangan ng mababit na payo, lalo na kung mahusay sila sa paaralan at gusto nilang maging mahusay na tao. Maging sila ay katulad natin sa katayuan sa Diyos. Baka nga ang ilan sa kanila ay namumuhay ng hiwalay sa imoral na mga gawain ngunit patuloy na pinaglalabanan ito -isang kapuri-puring bagay sabi ng ng Bibliya. Sila man din ay nararapat magbago ng personalidad kung paanong ang babae at lalaki ay inuutusang magbago kung nais na mapalapit sa Diyos.


Comments

Popular posts from this blog

"What Is Inside The Earths Core"

Pasasalamat Sa Diyos Bilang Isang Mamamayan

Kerosene Has A Specific Density Of 0.82. What Is The Volume Of Kerosene Given A Mass Of 6.4kg?